Sa layuning mas mapaganda pa ang lungsod ng Bacoor, katuwang ang City Engineering Office, isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa pagtatayo ng Multipurpose Building sa Sitio Wawa, Barangay Zapote 3 ngayong araw, Hunyo 13, 2024.
Tampok sa seremonya na ito ang ceremonial groundbreaking at paglalagay ng time capsule na pinangunahan ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla, kasama sina Barangay Captain Ernesto De Rosas, mga kinatawan mula sa DPWH, Almakar Builders and Metal Works, mga residente at opisyal ng Barangay Zapote 3, at mga LGU unit and department heads.
Ang itatayong Multipurpose Building ay inaasahang magsisilbing sentro ng komunidad para sa iba’t ibang aktibidad at serbisyo. Isa lamang ito sa mga hakbangin ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ng buong Team Revilla, upang mapabuti ang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan ng Bacoor.