Isang kamangha-manghang araw ng musika at talento ang nasaksihan ng mga manonood sa Grand Finals ng The Voice Kids at The Voice of Bacoor, kung saan itinanghal na kampeon sina Cianne Kate S. Atienza at Carlo Flaga sa kani-kanilang kategorya.
Sa 40 na kalahok, na nahahati sa dalawang kategorya—20 batang kalahok na may edad 7-14 taon at 20 kalahok na may edad 15 pataas, taglay ang kanilang natatangi at makapangyarihang boses—nagwagi si Cianne Atienza, 11 taong gulang mula sa Barangay Molino 3, sa The Voice Kids. Samantala, si Carlo Flaga, 24 taong gulang mula sa Barangay Mambog 1, ang nagtagumpay sa The Voice of Bacoor.
Ang mga hurado, na binubuo ng mga kilalang personalidad sa industriya ng musika na sina Joy Castillo, Vista Mall Marketing Head; Maestro Angelo Enriquez, Band Conductor ng Anak Zapote Band; Kurt Christian Uranayan, The Voice Kids of Bacoor 2017 Grand Champion; at Tristan Caliston Ignacio, Founder at Conductor ng “Imuscapella”, ay nagdala ng mataas na antas ng kredibilidad at excitement sa kompetisyon dahil sa kanilang karanasan at kaalaman.
Nagbigay din ng mga espesyal na pagtatanghal sina Del Venize Olimba, The Voice Kids of Bacoor 2023 Grand Champion, at Kurt Christian Urayan, The Voice Kids of Bacoor 2017 Grand Champion, na siyang inabangan ng mga manonood.
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, amin din pong binabati ang mga nagwagi sa KIDS Category na sina Uaen S. Basectin (1st Runner Up), Kendra Naiomi Q. Yumul (2nd Runner Up), at sa ADULT Category naman na sina Cristine Joyce R. Bunao (1st Runner Up), at Jericho Apil (2nd Runner Up).
Congratulations sa lahat ng mga nagwagi! (clap)
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.