June 7, 2024 – Sa pamumuno ng City Government of Bacoor, sa ilalim ni Mayor Strike B. Revilla, at ng Office of The City Health Services, sa pangangasiwa ni Dra. Ivy Marie Yrastorza, isinagawa ang proyektong libreng tuli para sa mga kabataan sa lungsod.
Ang libreng tuli ay para sa mga kabataan na may edad 12 pataas, kung saan ang mga benepisyaryo ngayon ay ang mga kabataan sa Barangay Talaba 1, 2, 3 at Zapote 1, 2, 3, kung saan umabot sa kabuuang bilang na 230 ang sumailalim sa naturang proseso.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Talaba Elementary School, na nagdulot ng agarang tulong at benepisyo para sa mga magulang lalo na sa mga kabataang nakatanggap ng libreng proyektong ito.
Pasasalamat po sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito lalo na po sa mga Volunteer Intern Doctor ng UPHD Las Piñas.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.