Noong Hunyo 6, 2024, isinagawa ang pagpupulong ng mga Barangay Focal Person sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay upang pag-usapan ang mahahalagang tungkulin na maaring maitulong ng mga kinatawan ng bawat Barangay sa Lungsod ng Bacoor.
Ang mga tungkulin na ito ay hiling ni Mayor Strike B. Revilla para maiparating sa ating mga kababayang Bacooreño ang mga nagagawang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod.
Pinangunahan din ni Mayor Strike B. Revilla katuwang si Ms. Lysa Blancaflor, CICRD Head, ang pagbibigay ng mga insentibo sa anim na barangay na lumahok sa nakaraang El Niño Challenge.
Maraming paksa ang tinalakay sa mga dumalong Focal Person ng mga Barangay, at isa na nga rito ang SOCIAL MEDIA kung saan mas palalakasin ng mga kinatawan ng bawat Barangay ang pagbibigay impormasyon na maipopost nila sa kanilang mga social media pages at group pages.
Sa huli, nagpasalamat si Mayor Strike B. Revilla sa mga taong boluntaryong tumutulong para maiparating sa mga Bacooreño ang tulong at ibinibigay na serbisyo ng Pamahalaang Lungsod.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.