Ang pagpapakasal ay pangarap ng maraming magkasintahan, at ngayon, ito ay naisakatuparan na ng 98 na couples na pinag-isang dibdib sa ginanap na Kasalang Bayan kahapon, Hunyo 5, 2024, sa Strike Gymnasium.
Ang masaya at makulay na programa na ito ay dinaluhan at sinuportahan nina Mayor Strike B. Revilla kasama ang kanyang may-bahay na si Ms. Chaye Cabal Revilla, at ang kanilang anak na si Chayeli Cabal Revilla. Kasama rin sa mga dumalo sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Cong. Lani Mercado Revilla, Coun. Alex Gutierrez, Coun. Rey Palabrica, Coun. Karen Sarino-Evaristo, Father Larry Tan, Pastor Miguel Mike Bautista, at ang MWELL Family sa pangunguna ni Ms. Lorraine C. Macapagal.
Kasama rin sa selebrasyon ang mga kilalang artista at personalidad tulad nina JC De Vera at Rikkah Alyssa Cruz-De Vera, Julius Babao at Christine Bersola-Babao, Diego Castro at Angela Lagunzad-Castro, Ms. Jona Viray, Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan, at Dennis Trillo.
Bukod sa seremonya ng kasal, nagkaroon din ng libreng hair and make-up services na handog ng Bacoor Rainbow Community at wedding ring sponsorship mula naman sa MWELL.
Ang nasabing kaganapan ay inorganisa ng Local Civil Registry Office (LCR) sa pamumuno ni Ms. Tess Cameros katuwang ang City Information and Community Relations Department (CICRD) sa pamumuno naman ni Ms. Lysa Blancaflor.
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, congratulations sa mga bagong kasal!