Sa huling araw ng Mayo, pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang Awarding at Turnover ng mga Ambulance para sa BJMP Female Dorm at sa Barangay Salinas 1.
Nakasama ni Mayor Strike B. Revilla sina Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Councilor Alde Pagulayan, Councilor Alex Gutierrez, LNB Vice Pres. Kap. Randy Francisco, Jeng Pagdanganan – GSO Head, Richard Quion – BDRRMO Head, at si Pastor Sam Baldon na siyang nanguna para ipahayag ang mga salita ng Diyos.
Ang proyektong ito ay patuloy na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, para mas maging malawak ang serbisyong ibinibigay ng bawat ahensya sa lokal na pamahalaan, maging sa Pamahalaang Barangay sa Lungsod ng Bacoor.
Buong puso naman na tinanggap ni Kap. Nicanor Espiritu kasama ang kanyang mga kagawad gayundin ng pamunuan ng BJMP Female Dorm sa pangunguna ni JCINSP. Joy Anne C. Pascual ang mga ito.
Ang tanggapan ni Mayor Strike B. Revilla ay bukas 24/7 para sa mga Barangay at Departamentong nais madagdagan ang kanilang serbisyo para makatulong sa mamamayang BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito! 💙
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.