Noong May 21, 2024, ang ikalawang araw ng Medical and Dental Mission na pinangunahan ng City Health Office katuwang ang ARKANSAS Lion Club International at The Fraternal Order of Eagles.
Dinaluhan nila Mayor Strike B. Revilla, Councilor Alde Pagulayan, LNB Vice Pres. Randy Francisco para personal na pasalamatan ang mga nangasiwa at tumulong sa Medical and Dental Mission. Kinamusta rin ni Mayor Strike ang mga pasyenteng pumunta para magpa-check-up at mag pasuri ng kanilang ngipin at mata.
Ang Medical and Dental Mission ay tatagal hanggang May 24, 2024 sa Strike Gym kung saan maari ma-avail ng mga Bacooreno ang mga serbisyong handog ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang ARKANSAS Lion Club International at Fraternal Order of Eagle.
Galing sa Barangay Poblacion, Sinbanali, Mabolo, Dulong Bayan, Salinas 1, 2, Real, Habay 1,2, Niog 1, Kaingen-Digman ang mga nakapunta sa Medical and Dental Mission.
Tuloy parin ang mga sumusunod na serbisyo:
-Medical Consultation
-Dental Extraction
-Reading Glasses
-Cyst Removal
-Haircut
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay nagpapasalamat sa mga grupo/samahan na handang tumulong para matiyak at mapabuti ang kalusugan ng bawat isang Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.