May 13, 2024 – Pinangunahan ng Bacoor City Engineering Office sa pamumuno ni Mr. Jicky Jutba ang Flag Raising ngayong araw na ginanap sa Strike Gymnasium.
Nagsimula ang Flag Raising Ceremony sa pagbibigay-pugay sa Watawat ng Pilipinas, pagbikas ng Panunumpa, at pagkanta ng Cavite Hymn at Bacoor Hymn.
Sinundan naman ito agad ng pambungad na Mensahe ni Hon. Levy M. Tela.
Sa gitna ng seremonya, binigyang-pagkilala ang mga nanalo sa International Karate Organization Kyokushinkaikan (IKON) Nakamura Philippines at mga nanalo sa National Science and Technology Fair 2024.
Ipinakita rin ng City Engineering Office ang kanilang Accomplishment Report sa pamamagitan ng isang Audio Visual Presentation, at buong puso naman nagbigay ng mensahe ang espesyal na panauhin na si ARD Isidro O. Encarnacion (Assistant Regional Director, Department of Public Works and Highways (DPWH) IV-A).
Gayunpaman, ipinahayag ni Mayor Strike B. Revilla ang kanyang mga proyekto na naisagawa sa mga nakaraang linggo tulad ng mga sumusunod:
1. Town Fiesta
2. Mother’s Day
3. 4-day Standard First Aid Basic Life Support
4. Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Course
5. Computer Literacy Training on Office Productivity Software
6. 47 PWDs President Oathtaking
7. Draft Comprehensive Land Use Plan
8. Members of Downhill Long Boarding Race
9. Adonis Football Club Team
10. National Heritage Month
11. The Voice Kids Bacoor
12. Mass Wedding and Mass Baptism
13. Medical and Dental Mission
14. Libreng Progestine Implant
15. COMELEC Satellite Voter Registration
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.