BACOOR CITY – Tinanggap ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla ang Foundation Of Our Lady of Peace Mission Inc., sa isang courtesy visit upang pag-usapan ang partnership sa pagitan ng LGU ng Bacoor at ng foundation. Ang pangunahing layunin ng pagpupulong ay ang pagbibigay ng mga serbisyong medikal para sa mga taong may cataract.
Kasama sa nasabing pagpupulong sina Ms. Madeline Garcia, Mr. Rovie Rose Jose, Sister Eva Fidela Maamo, Ms. Leonilo Quinte (Executive Director), at Mr. Julius Estrada (Registered Social Worker).
Naganap ang pagpupulong sa SBR Conference Room noong ika-2 ng Mayo, 2024. Pareho ang pasasalamat at dedikasyon ng dalawang panig sa pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan sa Bacoor City.
Ang LGU ng Bacoor ay umaasa sa isang produktibong kooperasyon kasama ang Foundation Of Our Lady of Peace Mission Inc. habang patuloy nilang inuuna ang kalusugan at kapakanan ng mga BacooreƱo.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.