Revilla Hall – Isang aktibidad ng pagtulong ang naganap sa pangunguna ng City Social Welfare And Development (CSWD) para sa pagbibigay ng relief pack at financial assistance sa 29 na biktima ng sunog at isa sa programa ng balik probinsya.
Nanguna sa programa ang ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla, kasama sina Konsehala Karen S. Evaristo, Kap. Randy Francisco ng Barangay Poblacion, Kap. Zyvon Bautista at Kagawad Roberto Noble ng Panapaan 4.
Kabilang sa mga kalahok ang 29 na biktima ng sunog, na binubuo ng 11 na pamilya mula sa Panapaan 4, 1 na pamilya mula sa Zapote 1, 1 na pamilya mula sa Bayanan, at 16 na pamilya mula sa Barangay Poblacion. Kasama rin sa programa ang isang benepisyaryo ng balik probinsya program mula sa Molino 6.
Ang layunin ng aktibidad ay upang maagap na makapagbigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng sunog at nagnanais na makabalik sa kanilang probinsya.
Naganap ang pagpamahagi noong ika-12 ng Abril, 2024, sa Revilla Hall. Ito ay isa na namang patunay ng dedikasyon ng Bacoor LGU sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla na maglingkod at tulungan ang mga mamamayan sa panahon ng kanilang pangangailangan.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.