Pinangunahan muli ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang regular flag raising ceremony sa Strike Gymnasium. Ang naging Host ngayong FRC ay ang Sports Development Unit kung saan ipinakita nito ang nagawa nilang accomplishment sa nagdaang taon at buwan.
Unang mensahe ay nagmula kay Councilor Rey Palabrica na siyang nagpaliwanag kung ano ang naitutulong ng Sports Unit sa ating Lungsod.
Nagbigay rin ng mensahe ang panauhin sa FRC na si Chair. Richard Bachmann na galing sa Philipine Sports Commission, isa sa kanyang ibinahagi ang kahalagahan ng sports sa ating mga Pilipino.
Sa huli, ang mensahe ni Mayor Strike B. Revilla ay nagbigay pagbati sa bagong appointed PNP Chief na si PGEN. Rommel Francis Marbil na naging Hepe rin ng Bacoor noong 2004. Isa rin sa ibinahagi ni Mayor Strike ang mga programa at proyekto na patuloy na ginagawa sa Lungsod ng Bacoor. Ibinahagi rin ni Mayor ang mga tulong na ginagawan ng Lungsod sa mga manlalarong Bacooreno na lumalaban sa ibang mga probinsya para sa karangalan ng ating Lungsod. Isa rin sa binigyang diin ni Mayor Strike ang bagong gawang shade sa Southern Tagalog Regional Hospital na siyang magiging pahingahan ng mga pasyente kapag sila ay magpapacheck-up o magpapagamot. Ipinag malaki naman ni Mayor ang kasipagan at tulong tulong na ginagawa ng mga kawan para maging mas mahusay ay maging kapakipakinabang ang mga serbisyong ibinibigay ng mga departamento sa mga Bacoorenong nangangailangan. Ang BNEO Seminar/Orientation ay nabanggit rin ni Mayor Strike dahil ito ang isa sa pinaka mahalagang pagsasama-sama ng mga Newly Elected Barangay Official.
Nagpasalamat naman si Mayor Strike B. Revilla sa mga taong dumalo sa flag raising ceremony, hangad nito ang patuloy na pakikipag tulungan para sa isang mahusay at maayos na serbisyo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
#SaBacoorAtHomeKaDito