Bacoor City – Matagumpay na idinaos ang Barangay Day Celebration sa ikalawang batch ng mga barangay ng Lungsod ng Bacoor. Ang nasabing pagdiriwang ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng tanggapan ng Punong Lungsod.
Nagtipon ang mga opisyal ng barangay at mga kawani ng District 1 at 2 sa Strike Gymnasium upang makiisa sa espesyal na okasyon. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan tulad nina Mayor Strike B. Revilla, Councilor Karen S. Evaristo, Councilor Rey Palabrica, Councilor Simplicio Dominguez, Councilor Bok Nolasco, BDRRMO Rep. Enrique III Nalzero, Randy Francisco Vice President ng LNBA, at Agripino Pagdanganan, ang GSO Head.
Naging masaya at makulay ang Barangay Day Celebration second batch na ito , kung saan nagkaroon ng mga paligsahan at iba’t ibang aktibidad para sa mga residente ng lungsod. Kasama sa mga dumalo ang 36 opisyal ng barangay at mga kawani mula sa mga barangay ng Bayanan, Mambog 1, 2, 3, 4, 5, Molino 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, Queensrow Central, East, West, San Nicolas 1, 2, 3, Aniban 1, 2, 3, 4, 5, Talaba 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, at Zapote 1, 2, 3, 4, 5.
Ang layunin ng Barangay Day Celebration ay hindi lamang upang magbigay ng saya at pagkakaisa sa mga residente ng Bacoor, kundi pati na rin para ipakita ang kahalagahan ng bawat barangay sa pag-unlad ng lungsod. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagdiriwang, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na makilahok at makiisa sa mga programa at proyekto ng kanilang mga barangay.
Ang Barangay Day Celebration ay idinaos sa Strike Gymnasium ngayong ika-3 ng Marso, 2024. Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinapalakas ang samahan at pagkakaisa sa Bacoor City upang masiguro ang maayos at progresibong pamumuhay ng bawat mamamayan.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.