BACOOR, Cavite – Binigyang pansin ng Bacoor Disaster Risk Reduction Management Office (BDRRMO) ang kahalagahan ng paghahanda sa mga sakuna at kalamidad sa pamamagitan ng isang orientation na pinangunahan ng ating mahal na Mayor Strike B. Revilla.
Ang pagsasanay na ito ay dinaluhan ng mga nag-aaply na makakuha ng Mayor’s at Working permit sa Lungsod ng Bacoor. Layunin ng oryentasyon na ito na maging handa ang mga empleyado ng Bacoor, lalo na sa mga unang lunas at pagresponde sa mga sakuna, aksidente, at iba pang mga pangyayari.
Idinaos ito sa Bacoor Legislative and Disaster Resilience Building, kung saan nagkaroon ng malalim na talakayan at pagsasanay upang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga empleyado sa pagharap sa mga kritikal na sitwasyon.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Strike B. Revilla ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang sakuna o kalamidad na maaaring dumating sa lungsod. Ipinahayag din niya ang kanyang suporta sa mga programa at pagsasanay na isinasagawa ng BDRRMO upang masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng mga Bacooreño.
Sa kasalukuyan, patuloy ang mga paghahanda at pagsasanay na isinasagawa ng BDRRMO upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente ng Bacoor sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.