Bacoor City – Sa tulong ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), isinagawa ang pamamahagi ng mga relief packs at financial assistance sa mga biktima ng sunog at demolition sa lungsod. Personal na namahagi at nanguna sa pagpapaabot ng tulong ang ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla, kasama ang suporta nina Kapitan Jeff CampaƱa ng Molino 4 at Kapitana Narcisa Enriquez ng Aniban 2.
Ang mga pamilyang biktima ng sunog mula sa Barangay Aniban 2, Niog, Real, at Molino 1 ay nakatanggap ng tulong. Kabuuan, mayroong 34 pamilya mula sa Barangay Aniban 2, 73 pamilya mula sa Barangay Niog, 3 pamilya mula sa Barangay Real, at 3 pamilya mula sa Barangay Molino 1 ang nabigyan ng mga relief packs at financial assistance.
Kasama rin sa mga tumanggap ng tulong ang 40 pamilya mula sa Barangay Molino 4 (Malipay) na naapektuhan ng demolition.
Ang nasabing pagtitipon ay naganap sa Bacoor Strike Gymnasium noong ika-12 ng Pebrero, 2024. Ito ay isang mahalagang hakbang ng lokal na pamahalaan upang maibsan ang hirap at pagsubok na kinakaharap ng mga biktima ng sunog at demolition.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, umaasa ang lungsod ng Bacoor na malampasan ng mga biktima ang kanilang mga pagsubok at makabangon muli. Patuloy na ipinapahayag ng City Government of Bacoor ang kanilang dedikasyon na maglingkod at mag-alaga sa kanilang mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.