Naganap ang Blessing ng Multi-purpose Building ng Barangay Molino 5 noong ika-3 ng Pebrero, 2024. Ito ay pinangunahan ng City Engineering Office at proyekto ng ating napakasipag na 24/7 Mayor Strike B. Revilla.
Sa pamamagitan ng pagbubukas ng nasabing gusali, inaasahang mas maraming mga programa at serbisyo ang maibibigay ng barangay sa mga mamamayan nito. Ito rin ay magiging tanda ng patuloy na pag-unlad at pag-asenso ng Barangay Molino 5 sa mga susunod na taon.
Nagbigay rin ng kanilang presensya ang mga pinuno ng mga homeowners association (HOA) tulad nina Pres. Eugenio Catindig at ang mga opisyal ng Phase 1, Pres. Engr. Wlmer Araña at ang mga opisyal ng Phase 2A, Pres. Estrella Bañez at ang mga opisyal ng Phase 2B, Pres. Ricardo Abanilla at ang mga opisyal ng Phase 2C, Pres. Teofilo Picones at ang mga opisyal ng Phase 5, at Pres. Raffy Sandaña at Jeffrey Ortalez at ang mga opisyal ng Phase 6. Naroon din ang mga opisyal ng Great Woods na pinangungunahan ni Pres. Crizaldo Degala.
Dumalo sa nasabing okasyon ang mga pinuno at kinatawan ng Lungsod. Kasama sa mga dumalo sina Engr. Jicky Jutba na nagsisilbing pinuno ng City Engineering Office, PLtCol John Paulo V. Carracedo na OIC Chief ng Bacoor PNP, Mr. Royce Cuevas na Chief of Staff, at mga konsehal na sina Obet Advincula, Rey Fabian, Bok Nolasco, Alde Pagulayan, at Simplicio Dominquez, SK President na si Palm Buncho at Bishop Erickson Santos.
Gayun din ang mga kinatawan ng Barangay sa pangunguna ni Kap. Bob Binghay at ang mga miyembro ng Konseho. Kasama rin sa mga dumalo ang SK Chairwoman na si Joey Mae Certeza at ang mga miyembro ng SK Council. Naroon din ang mga opisyal ng Senior Citizens Association na pinangungunahan ni Pres. Noli Sevilla, at ang PWD President na si Myla Magbanua.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.