Noong Pebrero 1, 2024, nagtipon ang mga kinatawan ng Maynilad at ang mga opisyal ng Lungsod ng Bacoor para talakayin ang paggamit ng Dredging Equipment sa Molino Dam. Ang pulong na ito ay naganap sa Strike Conference Hall at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Maynilad, kasama sina Ms. Caselyn Trocio, Mr. Joeven Capanpan, Mr. Emmanuel De Villa, Mr. Robin Salengca, Mr. Deo Buoza, at Mr. Jonald James Carandang. Kasama rin sa pulong sina Mayor Strike B. Revilla at si Engr. Jicky Jutba, ang Head ng City Engineering Office, Atty Kim Lofranco head of City Legal Office at Atty. Paul Sanggalang.
Ang layunin ng pulong na ito ay pag-usapan ang mga hakbang na gagawin para mapabuti ang kondisyon ng Molino Dam at mapanatili ang kaligtasan ng mga residente. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at kooperasyon ng Maynilad at ng lokal na pamahalaan ng Bacoor, inaasahang magkakaroon ng mga proyekto na magdadala ng mas magandang serbisyo sa mga mamamayan ng Bacoor.
Ang pagsasama ng Maynilad at sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan ng ating lungsod. Patuloy nating susuportahan ang mga hakbang na ito upang masigurong maayos ang kondisyon ng Molino Dam.
As We Strike As One Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.