Patuloy ang pamamahagi ng Kalinga sa Matanda ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla. Ito ang pinansyal na tulong na natatanggap ng mga senior citizen kada buwan ng Disyembre. Sa 2nd Batch na pamamahagi umabot ng mahigit dalawang libong senior citizen ang nakakuha ng 1,000 pesos na ginanap sa Bacoor Coliseum, Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang pagsasaayos ng mga listahan para maging maayos at kabuuang listahan ng mga senior citizen sa bawat Barangay.
Dinaluhan naman nila Councilor Rey Fabian, Councilor Roberto Advincula, Kap. Jun Advincula & Council, Sk Chairman Joeniel Sabater, Brgy. Admin Adelina Soniga, Ma’am Khei Sanchez – LEDIPO at Ma’am Lilian Ugalde – CSWD Head ang pamamahagi ng pinansyal sa mga Lolo at Lola.
Patuloy naman ang programa ng Kalinga sa Matanda ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Cong. Lani M. Revilla at Sangguniang Panlungsod Members.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.