Isang sunog ang nangyari sa Sitio Lati, Talaba II, Bacoor City, Cavite, Region 4A, madaling araw noong Disyembre 15, 2023. Ayon sa ulat ng Bacoor City Fire Station, naitala ang insidente sa ganap na 3:00 ng madaling araw, at agad na rumesponde ang mga kagawad ng BFP mula sa E203 Bravo, Delta, at Echo, na nakarating sa lugar ng sunog sa ganap na 3:05 ng madaling araw.
Apektado ng sunog ang 87 pamilya, at nahirapan ang mga tauhan ng BFP na mapasailalim ito sa kontrol. Ngunit sa tulong ng 4 na fire truck mula sa BFP (3 Bacoor at 1 Imus FS), 16 volunteer, at 1 BFP ambulance, naipasailalim sa kontrol ang sunog sa ganap na 4:23 ng umaga, at tuluyang naapula ito sa ganap na 5:21 ng umaga.
Sa kasamaang palad, hindi nakaligtas ang apat na tao na namatay sa sunog, at tatlo pa ang nasugatan. Tinatayang aabot sa PHP 2,250,000 ang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. Samantala, nagpaalala naman ang ating Bacoor LGU sa publiko na maging maingat sa mga posibleng maging sanhi ng sunog.
Nakikiisa ang aming puso at dasal sa mga pamilyang naapektuhan ng trahedyang ito.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.