Taun-taon, bilang bahagi ng programa na “Kalinga sa Matanda”, naglalaan ang Lokal na Pamahalaan ng kaunting regalo at tulong pinansyal para sa mga lolo at lola sa Lungsod. Ito ay isang hakbang upang masiguro ang kasiyahan at kaginhawaan ng mga ito, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.
Ngayong araw, December 5, 2023, nasa mahigit 1,500 Senior Citizens mula sa Barangay Queensrow Central at East ang lubos na napasaya at natulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) na pinamumunuan ni Ms. Liliane De Roxas Ugalde, kasama ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) na pinamumunuan naman ni Atty. Venus De Castro.
Ang patuloy na pagtutok at pangangalaga sa kapakanan ng mga ito ay patunay lamang na buhay na buhay ang diwa ng pagmamalasakit at pagkakaisa sa Lungsod.
As We Strike as One
Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.