Maraming Overseas Filipino Workers o OFW ang nawalan ng hanapbuhay noong kasagsagan ng pandemya. Kaya naman isa sa hangarin ni Mayor Strike B. Revilla na mabigyan ng tulong at pagkakakitaan ang mga ito.
Nakiisa ang 300 na OFWs sa isinagawang “Strike sa Kabuhayan Karapatan Seminar for OFW Displaced Workers: Parokya sa Barangay Orientation of OWWA Programs and Services Community” noong November 16, 2023 sa Revilla Hall upang isulong ang kahalagahan ng Strike sa Kabuhayan at Kaalaman.
Pinangunahan ito ng Public Employment Services Office – Bacoo o PESO sa pamumuno ni Dr. Abraham “Bob” De Castro na kung saan sila ay nakipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Office Region IV-A para ilunsad ang programa para sa mga Bacooreñong OFW.
Dinaluhan ito ni Congresswoman Lani Mercado – Revilla, Councilor Rey Fabian, Ms. Vi Jimenez , OFW Officer, Ms. Mericynne L. Peniero, OIC, Programs and Services Division OWWA Region IV-A, Ms. Aimee Corpuz, Cavite Family Welfare Officer OWWA Region IV-A, Ms. Khei Sanchez, LEDIPO Head, at Sir Reginald Revilla, DILG.
We Strike As One sa Kabuhayan!
Dito sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.