Noong October 27, 2023, pinangunahan ni Congresswoman Lani M. Revilla ang pagbibigay ng Negokart sa 8 na Bacooreño na napili ng PUBLIC Employment Service Office (PESO) para mabigyan ng pangkabuhayan na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang pagpili sa mga nabigyan ng Negokart ay dumaan sa pagsusuri ng DOLE Cavite at ng DSWD Region IV-A. Ang PESO Bacoor naman sa pangunguna ni Dr. Abraham De Castro ang siya ring nag patunay na ang kanilang napiling Bacooreño ay kwalipikadong mabigyan ng negosyo.
Si Congresswoman Lani M. Revilla naman ang nagbigay ng paalala para mas lalong palaguin pa ang ibinigay na negosyo, dahil susi rin ito para makatulong sa Kani-kanilang pamilya.
Dinaluhan naman ni Provincial Director Marivic Martinez – DOLE, Cavite ang turn over ng mga Negokart sa 8 benipisyaryo.
Patuloy naman ang pakikipag tulungan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang opisina ni Cong. Lani M. Revilla sa mga National Agencies para matugunan ang pangangailangan ng mga Bacooreño pagdating sa pagnenegosyo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!