Muling nagbigay kasiyahan ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa isang maluwalhating Kasalang Bayan noong October 11, 2023, kung saan pinag-isang dib-dib ang humigit-kumulang 75 na magkasintahan. Ito ay sa pangunguna ni Ms. Tess Cameros mula sa Local Civil Registry Office katuwang ang City Information Office.
Ang layunin ng nasabing Kasalang Bayan ay magbigay ng pagkakataon sa mga magkasintahan na matupad ang kanilang pangarap na magsama sa ilalim ng legal na kasunduan ng kasal. Ito rin ay isang hakbang ng Lokal na Pamahalaan na magkaroon ng pagkakaisa sa komunidad sa pamamagitan ng pagtangkilik sa institusyon ng kasal.
Ang ginanap na pagtitipon ay dinaluhan ng mga kilalang kawani ng Lungsod ng Bacoor, kabilang dito ang mahal na Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at Congresswoman Lani Mercado-Revilla. Kasama rin sa okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina City Councilor Miguel “Mike” Bautista, Councilor Rey Palabrica, Councilor Monching Bautista, at Councilor Karen Sarino-Evaristo.
Ito ay isang patunay na ang Lungsod ng Bacoor ay hindi lamang puno ng makasaysayang kultura at kasaysayan. Ito rin ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga indibiduwal na bukas at handang magtagumpay sa kanilang pagmamahalan.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.