Noong October 9, 2023, ginanap ang Araw ng Pagtatapos na aabot sa mahigit dalawang-daang Bacooreño na kasama sa programa ni Mayor Strike B. Revilla na MSBR-TWSP 2023 Scholars sa ilalim ng Resources Education Vocational Instruction Livelihood Learning Academic (REVILLA) Center na patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang pagbibigay ng sertipiko sa 284 na Bacooreñong nag tapos sa iba’t ibang kurso sa ilalim ng Livelihood Program. Nasa 188 naman ang patuloy na dumaraan sa pagsasanay kung saan sila ang dumaan sa pagsasanay ng TESDA.
Dumalo rin sila Admin Atty. Aimee Neri, Dr. Abraham De Castro- PESO Head, Councilor Rogelio “Bok” Nolasco, Councilor Monching Bautista, Mr. Herminigildo Acapuyan – TESDA, Specialist II na sumuporta sa mga Bacooreñong nagsipagtapos.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla binigyang diin nito ang mga programa at proyekto na mapapakinabangan ng mga Bacooreño, isa na nga rito ang pagbabalik ng “Libreng Sine” para sa mga Senior Citizen at PWD, “Libreng Sakay” sa lahat ng mga Bacooreñong papunta sa City Hall, Solidarity Route na makakatulong para padaliin ang inyong biyahe, at SBR Card na magbibigay ng benepisyo na galing sa Pamahalaang Lungsod. Kasunod nito pinasalamatan rin ni Mayor Strike ang mga Schools, Training Centers na nag tulong-tulong para matuto ang mga Scholars.
Para sa Livelihood
1. Prepare and Cold Meals and Hot Meals
2. Perform Basic Hair Coloring and Hair Cutting
3. Floral Arrangement
4. Beadworks
5. Apply Facial Make-Up, Perform Hand Spa, And Manicure and Pedicure
6. Body Massage
7. Cake Decoration and Bread Making
8. Soap Making
9. Dressmaking NC II
TESDA
1. Barista NC II
2. Bread and Pastry Production NC II
3. Driving NC II
4. Housekeeping NC II
5. Scaffolding NC II
6. Cookery NC II
7. Contact Center Services NC II
8. Caregiving NC II
Sumuporta rin sila Eugen Elalto – Revilla Center, Maribel Yusores – Fivestar Standard College Inc., Albert Dela Cruz – St. Peregrine Institute Inc., Dr. Marichelle Ann F. Carreon – Hezekiah Vocational Technological Training Institute, Mar P. Delgado – Cavite School of St. Mark, Danilo Solis – Saint Francis of Assisi College id Cavite Inc., Ronald Allan D. Munar – Millenial’s Choice Training Institute and Assessment Center, Inc.
Patuloy naman ang programa at proyekto ni Mayor Strike B. Revilla katuwang si Cong. Lani M. Revilla, Agimat PartyList Cong. Bryan Revilla, Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, para makatulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!