Pinangunahan ng PESO Bacoor ang DOLE TAV o Technical Advisory Visit sa mga pampublikong pamilihan sa Lungsod ng Bacoor. Pitong empleyado na galing sa PESO at DOLE ang nagtulungan para alamin ang kalagayan ng mga pamilihan sa Lungsod ng Bacoor.
Noong August 29, 2023 pinuntahan ng PESO at DOLE ang Zapote Public Market, kung saan dito sinuri ang relasyon ng may-ari ng negosyo pati narin ang mga manggagawa nito. Ngayong araw na ito, August 31, 2023 ay pinuntahan naman ang 678 Market sa Brgy. Bayanan kung saan mas binigyan pansin ang usapin sa karapatan ng mga manggagawa, gayun din sa karapatan ng mga may-ari ng negosyo.
Ang layunin ng programa ito ay maging responsableng may-ari at manggagawa upang ang relasyon ng bawat isa ay maging maayos at pangmatagalan.
Pinangunahan ni Dr. Abraham De Castro Head ng Public Employment Service Office (PESO) at ng DOLE Cavite sa pangunguna ni Provincial Director Ms. Marivic Martinez ang DOLE TAV na isinagawa sa Lungsod ng Bacoor.
Patuloy naman ang suporta ni Mayor Strike B. Revilla sa PESO office para mas maibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang serbisyong kailangan ng mga BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.