Noong August 25,2023, ginanap ang isang seminar sa Revilla Hall na pinangunahan ng MTRCB sa pangunguna ni Chairperson Diorella Maria “LALA” Sotto-Antonio.
Ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay hinihikayat ang ating mga kababayang Pilipino na maging responsable hindi lang sa panonood ng TV kundi para narin sa pagbibigay ng kaalaman sa mga magulang na may anak na bata. Binigyang diin ni Ms. Lala Sotto-Antonio ang kahalagahan ng kampanya para maging isang responsableng manonood na magdadala ng magandang kinabukasan para hindi lang sa kabataan maging sa ating mga kababayang Pilipino.
Dumalo sa seminar sila Chairwoman Lala Sotto-Antonio, MTRCB Vice Pres. Nathaniel Joseph “Njel” De Mesa, BM Atty. Gabriela Concepcion, BM Dr. Lilian Gui, BM Racque Cruz, BM Mark Andaya at ibang staff ng MTRCB.
Nagpasalamat naman si Mayor Strike B. Revilla sa buong pamunuan ng MTRCB na naglaan ng oras para makapag bigay ng kaalaman sa ating mga Bacooreño.
Sa huli, namahagi ng coffee table book ang MTRCB sa 145 na Bacooreños na dumalo sa seminar.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.