Noong August 14, 2023, naging makabuluhan ang flag raising ceremony sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) headed by Dr. Abraham “Bob” De Castro. Pinangunahan naman ni Pastor Cesar Roxas ang panalangin para sa lahat ng kawani ng Lungsod at sa mga pinunong patuloy na gumagawa ng mga programa para makatulong sa mga Bacooreño. Pinangunahan naman ni Councilor Rey Fabian ang pagbati sa mga kawani at sa mga dumalo sa FRC.
Pinarangalan rin ngayong Umaga ang buong pamunuan ng BJMP BACOOR dahil sila ang hinirang bilang BEST CITY JAIL OF THE YEAR. Gayun din ang nakuhang award ng Bureau of Fire Protection (BFP) na BEST CITY FIRE STATION sa buong CALABARZON.
Sa presentation ng Public Employment Service Office (PESO) ipinakita nito ang mga achievement, program project na kanilang napagtagumpayan sa mga nakalipas na buwan ngayong taon. Isa rin sa kanilang ipinagmamalaki ang napakaraming tulong na naibibigay nila sa mga kabataang Bacooreño na nag-aaral sa Kolehiyo at sa Senior High-School na ngayon ay nag tratrabaho sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor bilang isang Special Program of the Employment of Student (SPES).
Pinuri naman ni DOLE – Provincial Director Dir. Marivic B. Martinez ang PESO Bacoor at ang pinuno nito na si Dr. Bob De Castro sa sipag at dedikasyon sa pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga Bacooreñong nangangailangan.
Sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla pinasalamatan nito ang lahat ng City Officials, Barangay Officials, NGO, at mga kawani ng Lungsod sa kanilang patuloy na suporta sa Pamahalaang Lungsod para sa mas aktibong serbisyo, programa para sa Bacooreño. Pinasalamatan rin ni Mayor Strike ang PESO Bacoor sa kanilang ipinamalas na galing at pagbibigay ng serbisyo hindi lang sa mga Bacooreñong nangangailangan ng trabaho kung hindi pati na rin sa mga estudyanteng nais makapagtapos ng pag-aaral. Binanggit rin ni Mayor ang Brigada Eskwela na ngayong Lunes ang simula para sa Balik-Eskwela 2023. Ibinahagi rin ang nangyaring 3-Day Writeshop on the Formulation of Local Shelter Plan for 2024-2032 na dinaluhan ng Pamahalaang Lungsod at ito ay may kinalaman sa pabahay o housing.
Sa huli, binati ni Mayor Strike B. Revilla ang BACOOR CITY STRIKERS sa kanilang pagkapanalo sa Batangas Embassy Chill na nangunguna rin sa South Division. Pinasalamatan rin ni Mayor Strike ang lahat ng suporta at nag-dasal para manalo ang ating pambato sa MPBL.
Patuloy ang serbisyo, programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members, Cong. Lani M. Revilla, Agimat Partylist Cong. Bryan Revilla, para makatulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.