Nagsagawa ng makulay na Flag Raising Ceremony sa ilalim ng City Social Welfare and Development Office, sa pangunguna ni Ms. Lilianne Ugalde. Ang Strike Gymnasium ay naging saksi sa makasaysayang okasyon na ito.
Naging makabuluhan ang pagbubukas ng programa sa pamamagitan ng mensahe ni Hon. Simplicio Dominguez mula sa Distrito 2 ng Lungsod ng Bacoor.
Isang karangalan din na magkaroon ng guest speaker sa katauhan ni Ms. Angeles Peñalba, RND Nutrition Officer 3 (Provincial Health Office – Cavite). Sa kanyang talumpati, ipinahayag ang kahalagahan ng Nutrisyon para sa lahat ng mamamayan ng Bacoor.
Nagbigay rin ng magandang balita sa mga nagawa noong nakaraang linggo si Hon. Strike B. Revilla ang ating Amang Panglungsod na kinatawan ni Hon. Reynaldo Palabrica tulad ng mga sumusunod:
1. Accomplishment Report of City Social Welfare and Development Office.
2. Pagpaparangal ng 3rd Year Green Banner Seal of Compliance Award mula sa CALABARZON Regional Nutritional Awarding Ceremony.
3. Pagpaparangal ng Exemplary in Composting Facility Operation mula sa DENR Environmental Management Bureau CALABARZON.
4. Pagpaparangal ng Best City Jail mula sa BJMP CALABARZON.
5. Ang pagkilala ng panibagong Warden Jail Female Dorm na si Atty. Joy Anne Pascual.
6. MOA Signing for Sisterhood Agreement.
7. Ang pag-ikot ng Libreng tuli at Libreng Anti-Rabies para sa Lungsod.
8. Ang pagsasagawa ng Anti-Drug and Anti-Criminality Summit.
9. Ang paparating na Brigada Eskwela ngayong Agosto 14 hanggang Agosto 19.
10. Bacoor City Striker laban sa Bacolod ngayong araw.
11. Pagsasagawa ng Seminar para sa mga kandidato ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan #Responsableng Kandidato.
Nagsagawa rin ng pamamahagi ng Wheelchair para sa mga 33 na Beneficiaries mula sa Mayor’s Office.
Ang pagkakaisa at dedikasyon natin ay patuloy na nagpapalakas sa ating komunidad. Strike sa NUTRISYON, Strike sa Kalusugan!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.