Mga barangay na kasama sa Barangay Merging, sabay-sabay na bumoto para ipahayag ang kanilang pakikiisa sa nasabing pagsasama-sama ng mga barangay sa Lungsod ng Bacoor.

Nagsimulang dumagsa ang mga residente ng bawat barangay para bumoto mula alas-siyete ng umaga hanggang sa matapos ang botohan ng alas tres ng hapon.

Kahit na masama ang panahon dulot ng Bagyong Egay, desidong pumunta at nagbigay ng suporta ang bawat residente upang ipahayag ang kani-kanilang pagsang-ayon sa pagsasanib ng mga naturang barangay.