Patuloy ang programang Ugnayan sa Barangay sa Lungsod ng Bacoor bilang pagsuporta sa Plebisito na gaganapin sa July 29, 2023. Dito ipinakita ang pagkakaisa ng mga Bacooreño para suportahan ang ordinansang ginagawa ng Sangguniang Panlungsod tungo sa maganda at maunlad pang Barangay na magbibigay ng magandang serbisyo sa mga Bacooreño.
Pinangunahan ni Governor Jonvic Remulla at Vice Governor Athena Tolentino ang Ugnayan sa Barangay para ipakita ang suporta ng Pamahalaang Lalawigan ng Cavite sa Barangay Merging o Plebisito sa Lungsod ng Bacoor.
Isang pagpapaliwanag naman ang nagmula kay Atty. Jastine Dela Cruz (Comelec Officer) para mas maintindihan ng mga Bacooreño sa Barangay Maliksi 2 & Maliksi 3 ang tamang pagboto at kung ano ang gagawin nila sa araw ng botohan. Nagpaalala rin ang Comelec sa mga Bacooreño na dapat dalhin nila ang kanilang Valid ID para sa kanilang pagkakilanlan.
Nagpahayag rin ng suporta ang dalawang Punong Barangay sa Maliksi 2 & 3 na sina Kap. Liberator R. Dizon at Kap. Nieto Dela Cruz para suportahan ang YES sa Barangay Merging dahil alam nilang malaki ang maitutulong nito kung magiging isa ang dalawang Barangay.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla, ipinaalala nito na ang kanilang ginawang Ordinansa ay makatutulong para mas marami pang matulungan ang Pamahalaang Barangay sa mga Residenteng nasasakupan nito.
Dumalo sa Ugnayan sa Barangay ang Sangguniang Panlungsod Member sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Board Member Ram Revilla, Board Member Edwin Malvar, mga Barangay Kagawad mula sa Maliksi 2 at Maliksi 3 at ang ibang kawani ng Probinsyal Government of Cavite.
As We Strike As One, Sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.