Nasa mahigit 400 na daycare students ang nagsipagtapos sa ginanap na Moving Up Ceremony noong July 18, 2023, sa Bacoor Coliseum.
Ang nasabing seremonya na may temang “Batang Nagsanay sa Daycare ay Batang Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa” ay inorganisa ng Department of Education o DepEd – Bacoor sa pamumuno ni OIC Schools Division Superintendent Dr. Babylyn M. Pambid.
Dinaluhan ito ni City Councilor and CSWD Chairman Adriel Gawaran, CSWD Head Liliane De Roxas Ugalde, at ni CDC Coordinator and ECCD Focal Person Geraldo A. Reyes.
Dito ay nagbigay rin ng mensahe si Mayor Strike B. Revilla sa pamamagitan ng isang bidyo kung saan kanyang binati ang mga batang nagsipagtapos.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.