Naging matagumpay ang buwanang pag-pupulong ng mga Punong Barangay sa bulwagan ng Liga ng Barangay.
Unang pinag-usapan ang paglatag ng mga programa ng Southern Tagalog Regional Hospital (STRH). Kung saan ang STRH ay magkakaroon ng Mobile Blood Donation na gaganapin sa July 21, 2023 sa BULWAGAN ng Liga ng mga Barangay. Nananawagan ang STRH sa mga Bacooreñong 18 to 65 years old na makiisa at samahang sumuporta para sa boluntaryong pagbibigay ng dugo na tiyak ay maraming matututulungang mga nangangailangan.
Pangalawa ang mga programa ni Mayor Strike B. Revilla na patuloy na nararamdaman ng mga Bacooreño. Pinag usapan sa miting ang pagbabalik ng LIBRENG SINE para sa mga Senior Citizen, binanggit din ni Mayor Strike at pinadagdag niyang proposal para sa programa ng libreng sine ang pagsama sa mga Barangay Official, Tanod at Staff upang pagbawi sa kanilang kasipagan at sebisyong Bacooreño sa kanilang mga kabarangay.
Patuloy rin na pinaaalala sa mga Punong Barangay ang Ordinansang CURFEW upang patuloy na maging tahimik at ligtas ang mga Kabataang Bacooreño.
Pinag usapan rin ang paglalagay ng GATE sa mga eskenita, daanang laging may reklamo dahil sa hindi na nakikilala ng mga dumaraan dito. Isa rin ito sa paraan para makilala ang lalabas at papasok sa isang sitio. Maaari ring gamitin ang SBR CARD para mas makilala ang mga dadaan sa inyong sitio/Barangay.
Isa rin sa napag usapan ang LIBRENG SAKAY kung saan ang BUS na iikot sa Lungsod ng Bacoor ay patungong City Hall para makapag bigay gaan sa mga Bacooreñong kulang ang budget sa pamasahe. Ang SBR Card ay makakatulong para makalibre ka ng pamasahe.
Pinaalala rin sa miting ang karagdagang ACTION CENTER para mas makapag bigay ng mabilis na serbisyo tulad ng BURIAL Assistance, PWD, SOLO PARENT, SENIOR ID.
Sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla binanggit nito ang AUCTION na mangyayari ngayong JULY sa Lungsod ng Bacoor. Ibinalita rin nito na maglalagay narin ng PERCENT PER INCOME para malaman ang buwis na kanilang babayaran.
Inirekomenda naman naman ng Department or Education (DepEd ) kay Mayor Strike B. Revilla na may 52 schools na dumaan sa inspection na kailangan ng i-demolish dahil sa hindi na safe at hindi narin tatagal na gamitin ito ng mga estudyante.
Sa huli, magpapatuloy ang pag-pupulong ng mga Punong Barangay kasama ang mga kagawad sa July 6, 2023 para pag usapan ang mga mahahalagang programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.