Noong July 6, 2023 naging masaya ang meet & greet na inihanda ng City Livelihood Department para sa Ina ng Lungsod Cong. Lani M. Revilla. Sila ang mga scholars ni Ate Lani na ngayon ay sumasabak sa kanilang kinuhang pagsasanay para magamit sa kanilang trabaho o negosyo. Katuwang ni Cong. Lani M. Revilla ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa ilalim ng City Livelihood at ng TESDA kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga Bacooreño na makatapos sa kanilang kinuhang kurso.
Nagpapasalamat si Cong. Lani M. Revilla sa mga Paaralan at Training Centers dahil sa napakalaking tulong para mahasa ang mga Bacooreñong nangangarap na makakuha rin ng magandang trabaho.
1. AMAZING GRACE TECNICAL TRAINING INSTITUTE
2. INTERNATIONAL ELECTRONIC AND TECNICAL INSTITURE, INC
3. ST. PERERINE INSTITUTE INC.
4. CAVITE SCHOOL OF ST. MARAK
5. ST. DOMINIC COLEGE OF ASIA
6. THE BEARER OF LIGHT AND WISDOM COLLAGE
7. MILLENIALS CHOICE TRAINING INSTITUTE AND ASSESMENT CENTER INC.
Sa huli, sa mensahe ni Cong. Lani M. Revilla ibinahagi nito ang Plebisito na gagawin sa Lungsod ng Bacoor at hiniling rin na suportahan para maging matagumpay ang Barangay Merging.
Sama-Sama, Tulong Tulong, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!