Isinagawa ang Launching ng Cooperatism Campaign Among Informal Settlers Communities for Housing Community Formation and Livelihood Programs na pinangunahan ng Mayor’s Office katuwang ang Housing Urban, Livelihood Department and Cooperative Development ng Lungsod. Ang programang ito ay layong matulungan ang ating mga kababayan na mabigyan ng pangkabuhayan at mabigyan ng pabahay ang mga Bacooreñong naninirahan sa tabing ilog o dagat na walang sariling bahay.
Katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ang Agriculture Sector Cooperative Development Authority, Consumer Sector Operative Development Authority, REGION IV-A Cooperative Development Authority, para sa pagbibigay ng tulong sa mga Bacooreñong nangangailangan ng pangkabuhayan at bahay na magiging susi sa kanilang magandang pamumuhay.
Nagpapasalamat naman si Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ang Sangguniang Panlungsod Members kila, Assistant Secretary Virgilio R. Lasaga ng (ASCDA), Mr. Salvador Valeroso, Regional Director, Region IV-A ng (CDA), Vicky M. Lazaro at sa ibang sector ng Lungsod na sumusuporta para sa programang makakatulong sa ating mga Bacooreño.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay makikipag tulungan sa Pambansang Gobyerno para maibigay ang tulong sa ating mga kababayang Bacooreño.
As We Strike As One, Sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.