Noong Abril 22, nasa Lessandra Heights Clubhouse, Barangay Molino 4 ang Strike Mobile Palengke para maihatid ang mga murang paninda na maaring mabili ng ating mga kababayan.
Ang Strike Mobile Palengke ay inisyatiba ng Bacoor Homeowners Association Council Inc. (BHOACI) katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla.
Ang programang ito ay nais matulungan ang ating mga kababayan na walang oras para magpunta pa ng palengke. Dahil dito patuloy ang Strike Mobile Palengke na iikot sa ibat-ibang Barangay para maibigay ang serbisyong makakagaan para sa mga kababayan nating malayo sa pamilihan.
Patuloy natin suportahan ang programang ito para maibigay at mailapit natin sa ating mga kababayang Bacooreño ang murang mga produkto.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.