Nilagdaan ni Mayor Strike B. Revilla noong ikaw-17 ng Marso ang Memorandum of Agreement ng City of Bacoor at Department of Heath para sa isang Resolusyon No. 2023-175 na makakatulong sa ating mga kababayan upang maiwasan ang patuloy na paggamit ng ilan nating mga kababayan ng iligal na droga. Ang paglaban sa iligal na droga ay hindi lamang isang isyu tungkol sa kapayapaan at kaayusan, ito din ay may kinalaman sa kalusugan ng publiko.
Ang Resolution na ito ay itinaguyod ni Councilor Alde Joselito F. Pagulayan kasama sina Coun. Roberto L. Advincula, ABC Pres. Coun. Kap. Monching Bautista, Coun. Simplicio G. Dominguez, SK Pres. Mac Raven Espiritu, Coun. Catherine Sarino-Evaristo, Coun. Reynado M. Fabian, Coun. Adrielito G. Gawaran, Coun. Victor Guerrero Jr., Coun. Alejandro Gutierrez, Coun. Rogelio M. Nolasco, Coun. Reynaldo D. Palabrica, Coun. Michael E. Solis, Coun. Levy M. Tela.
Nagpapasalamat si Mayor Strike B. Revilla at Sangguniang Panlunsod sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa Department of Heath-Treatment and Rehabilitation Center, mula sa Bicutan at Tagaytay sa pagtanggap sa City of Bacoor bilang katuwang ng kanilang ahensya sa pagpapabuti ng ating mga kababayan.
Present sa MOA Signing : Mayor Strike B. Revilla Atty. Eugene De Jesus, Dra. Ivy Yrastorza, Ma’am Ma. Teresa Inigo -Chief Hospital 3, Nannede Mercado – Medical Specialist, Ricky Gaborro – Bicutan Rehab, Financial Management Officer 3, Alfonso Villaroma -Medical Director Chief of staff Hospital 3.
Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na mapubuti ang bawat Bacooreño, dahil as We STRIKE AS ONE, Sa Bacoor at Home ka dito.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Maraming salamat po.