Kasabay nito ang pagbubukas ng dalawa sa 18 na Strike Action Center sa Zapote 1 at Talaba 7. Isusunod ng buksan ang iba pang Strike Action Center sa iba’t ibang barangay sa Bacoor sa mga susunod pang araw.
Layunin ng programang ito na maibaba sa mga barangay ang mga social services na handog ng pamahalaang lungsod ng Bacoor. Mas pinadali sa bawat Bacoorenyong nangangailangan ng tulong medical, financial, burial at education upang mapabilis ang pagproseso ng kanilang hinihinging tulong.