Ang online registration na ito ay para sa lahat ng mga residente ng Bacoor, botante man o hindi, 18 years old pataas.
Narito ang mga hakbang para kayo ay makapagpalista sa ating Libre, Mabisa at Rekumendadong bakuna para sa mga Bacooreño. Sundin lamang ang mga steps na ito:
STEP 1
Gamit ang inyong cellphone, laptop o computer na may internet, mag-log in sa ating LIGTAS BACOOR Online Registration Portal gamit ang link na ito 👇
https://ceir.bacoor.ph. Maaari ding i-copy at paste ang link na ito sa Google Chrome app kung kayo ay nagkakaproblema sa pag-upload ng photo.
STEP 2
Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang CEIR Registration. Piliin ang CATEGORY kung saan ka napapabilang ayon sa priority list na itinakda ng DOH.
Mag-upload ng photo hawak ang inyong valid ID. Pindutin ang NEXT kapag tapos na. Maaaring hindi magtuloy sa susunod na page kung hindi napunan ang mga required fields na kailangang sagutin. May makikitang red marks sa tabi ng field na kailangang punan ng detalye.
STEP 3
Ipagpatuloy ang paglalagay ng mga detalye. Maging HONEST sa pagsagot ng parteng ito. Magkakaroon ng automatic generated CODE para sa inyo.
Pindutin ang SUBMIT kung tapos na.
SUCCESSFUL!
Malalaman mong tapos ka na sa online registration kapag umabot ka sa THANK YOU page at may lalabas na QR CODE para patunay na ikaw ay nakapag-online registration na. Siguraduhin na i-screenshot ang QR CODE na ito para naka-save na sa inyong mga gadgets.
SCHEDULE NG BAKUNA
Antabayan ang pagkontak sa inyo o ang announcement na aming ipopost kung ang inyong CATEGORY ay naka-schedule na sa pagbabakuna. Hindi tatanggapin sa Vaccine Hubs ang hindi pa naka-schedule. At kung schedule niyo na ng pagbabakuna, ipakita lamang ang QR CODE ng inyong online registration sa entrance ng ating mga vaccine hubs para kayo ay makapasok.
Kung may problema sa inyong online registration, sumangguni lamang sa email na makikita sa ating Online Registration Portal.
SHARE
Previous articlePAUNAWA
Next articleMga minamahal kong Bacooreño