Narito ang mga panuntunan ukol sa Q-Pass, ayon kay Governor Jonvic Remulla.
– Mula June 7, 2020, 5AM ay MODIFIED Q-PASS system na tayo.
– Transferable na ang Q-Pass sa mga magkakasama sa bahay. Magdala lang ng ID na patunay na magkasama sa isang bahay.
– Hindi na kailangan ng Travel Pass para sa paglakbay sa loob ng Cavite kung ikaw ay taga-Cavite.
– Ang paglakbay sa NCR ay kailangan ng employment ID or proof of medical, dental appointment.
– Ang pagbiyahe sa ibang lalawigan ay kailangan pa rin ng Travel Pass. Kung trabaho naman ay magpakita ng employment ID.
– Tatanggapin ang mga residente na manggagaling sa ibang probinsya. Pakita lang ang valid ID ng Cavite residence.
– Ang curfew ay 8PM – 5AM.
– Walang pagbabago sa mall policy.
– Wala pa rin pahintulot ang IATF ukol sa couples pass.