Sa kasalang bayan ng 96 couples kaninang umagang handog ng pamahalaang lungsod ng Bacoor, may mga biling binigay si Mayor Lani Mercado Revilla.

“Lagi ninyong isasaisip, isapuso, at isabuhay ang limang lengguwahe ng pag-ibig.

Una ay ang matamis na pangungusap. Kahit galit, sikaping ang mga salita ay hindi makakasakit.

Pangalawa ay regalo. Sorpresahin ninyo ang isa’t isa ng regalo. Hindi kailangang mahal, at hindi kailangang may okasyon.

Pangatlo ay paglilingkod. Si mister, magluto rin minsan, masahihin din ang likod ni misis minsan, maglaba at maglinis ng bahay rin minsan.

Pang-apat, time. Hindi dapat na masyado kayong busy na nakakaligtaan ninyo na ang isa’t isa. Madalas, the best gift is time.

Panglima is touch. Hindi na uso yung para lang sa bedroom ang touch – ang H.H.W.W., alam ninyo yun? Holding hands while walking? Importante yun. Importante ang lambingan, ang yakapan, ang loving-loving. Yan ang nagpapasarap sa pagsasama. Pag wala yan, mapakla ang pagsasama.

Ang romansa, ang pagtitinginan ng malagkit simula sa araw na ito ay ekslusibo na sa inyong mag asawa.

Mahalin ang isa’t isa ganun din ang inyong mga anak. Pagtibayin ninyo ang pamilyang Pilipino. Magplano ng inyong pamilya.

I wish forever for all of you, congratulations and best wishes to the newlyweds.”

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani