Home ANG HIMNO NG BACOOR

ANG HIMNO NG BACOOR

Bagong Bacoor, Lungsod ka ng mga magigiting
Walang katulad ang angkin naming galing, matiyaga at mabilis sa gawain
Sa kasipagan, kaagapay kaunlaran
Sa Bacoor aasenso uunlad pang buhay mo, kung masipag lang
Mga tahong, asin, talaba at iba pang lamang dagat
Kakanin sa balsa, halo-halong masarap
Nagpapatunay Bacoor ay maunlad
Malapit sa Maykapal kaya tayo’y magtulungan, tulong kailangan
Tulay ng Zapote, simbolo ng mga Bacooreno
Sina Evangelista, Ocampo, Cuenca, Gomez ay ilan lamang sa kanila
Kung nais ninyong makitang lahat ng ito
Handa kaming sumalubong na may banda’t musiko, Halina sa Bacoor
Pabahay ay laganap na, trabaho’y dumarami pa
Propesyonal, bokasyonal, komersyo umasenso (lumalago na turismo)
Lungsod ng bacoor dapat nating mahalin
Mga taong nanunungkulan Punong lungsod pinangunahan Ang katuwang namin
Bagong Bacoor Lungsod na pinagpala
Ating ipagmalaki ang bagong Lungsod ng Bacoor
Mapalad ang bagong Bacoor