Isa si Mayor Lani Mercado Revilla sa mga local government executives na tumugon sa inisyatiba ng Meralco na palawakin ang sustainable lifestyle movement. Sinimulan ng power distribution company ang The Good Store, isang marketplace kung saan itinatanghal ang mga sustainably farmed o di kaya’y organic produce and products. Kabilang sa mga itinanghal na produkto ay tanging gawa sa Bacoor katulad ng tahong empanada, tahong siomai, kagamitang gawa sa tahong at capiz shells, at LMR floor rugs at pot holders. Kasama si Mayor Lani sa opening ceremonies kaninang umaga. Bukas ang The Good Store hanggang 4pm ngayon sa Meralco office grounds.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani