Sa darating na Huwebes, Agosto Uno, 2019, pamumunuan ng Pamahalaang Lungsod ang ika-121 paggunita sa Pagpupulong sa Bacoor 1898 kasabay sa pagdiriwang ng ika-220 kaarawan ni Padre Mariano A. Gomez. Sa ganap na alas otso ng umaga, magkakaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Padre Mariano A. Gomez na susundan rin ng paglulunsad ng Bagong Edisyon ng “Proclamation: Philippine Independence – The Truth About August 1, 1898 Bacoor Assembly (A Historiographical Inquiry)” na likha ni Dr. Emmanuel F. Calairo.