Nagtipon-tipon ang mga opisyales ng iba’t ibang homeowners association ng lungsod para sa isang post Christmas party. Binigyang parangal din sa nasabing okasyon ang HLURB 10 Best HOAs.

Nagbigay pugay si Mayor Lani Mercado Revilla sa mga homeowners association officers at nagpasalamat sa kanilang patuloy na pagsuporta sa pamahalaang lungsod. Nagbigay din ng kani-kanilang mensahe sina Eduardo del Rosario, Secretary ng Department of Human Settlements and Urban Development, at Atty. Melzar Galicia at Atty. Marylin Pintor ng Human Settlement Adjudication Commission.