Nagsagawa kahapon ng Skills Training on Tile Setting and Carpentry/Masonry sa Bacoor City Jail, sa pangunguna ng St. Peregrine Institute, isang accredited service provider ng TESDA, katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at City Livelihood Development Office (CLDO).

Mahigit sa 60 lalaking inmates ang sumali sa programa, na naglalayong maturuan sila ng sapat na kaalaman at kakayahan na kanilang magagamit upang makapagtrabaho sa kanilang paglaya.

#AlagangAteLani
#LoveMyBacoor