Masayang nakapiling ng mga #Bacooreño si Cavite Vice Governor Jolo Revilla kaninang umaga sa Alagang Ate Lani Caravan sa Bacoor Parish School, Digman. Itinaguyod ang caravan sa layon ng Bacoor City Government na maging available ang city services sa barangay. Nagkaroon ng feeding program, free hair cut at massage, medical at dental mission, at job fair. Mayroon ding free late birth certificate registration at ID application para sa mga seniors at PWD.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani