Inatasan ni Mayor Lani Mercado Revilla ang mga kawani ng Bacoor City Government na magsagawa ng regular cleaning at disinfection sa lahat ng sulok ng munisipyo. Naglabas din ang pamahalaang lungsod ng mga posters ukol sa Novel Coronavirus upang makadagdag sa kaalaman ng lahat. Inaasahang makatutulong ang mga hakbang na ito upang manatiling ligtas sa sakit ang mga nagtutungo sa munisipyo.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani