Magandang Araw Bacooreños!

Humanda na dahil ang PCUP Caravan ay nasa *Barangay Molino II, City of Bacoor* sa *Ika-14 ng Hunyo 2019* sa ganap na Alas Otso ng umaga.

Dala ng Caravan ang mga sumusunod na serbisyo:

– Job Fair (Local)
– Libreng gamot, medical at dental check-up
– Pangpuhunan at iba pang livelihood opportunities
– Scholarship at enrollment sa tech-voc programs
– Libreng gupit at masahe
– Libreng legal consultation
– Orientation ng pro-poor programs
– Pagpoproseso ng birth at marriage certificate, CENOMAR
– at marami pang iba!!

Para sa mga mag-aapply ng trabaho, magsuot lamang ng maayos na damit at dalhin ang inyong updated na CV o resume, Transcript of Records, at related na training certificates.

Para sa pagproseso ng birth, marriage certificate, CENOMAR at iba pang certificate mula sa PSA, magdala lamang ng mga sumusunod:

– original at photocopy ng inyong valid ID
– valid ID ng representative (kung iba ang magrerequest)
– bring copy ng Birth, Marriage or Death Certificate and copy sa CENOMAR

Para sa processing ng ating mga PSA documents, magdala lamang ng valid ID.

Kitakits!

© Presidential Commission for the Urban Poor