Ginanap ang unang araw ng grand medical mission sa Strike Gymnasium kanina. Nagsagawa ang mga volunteer health care professionals ng primary care, physical therapy, at dental extraction. Ito’y proyekto ng Philippine Medical Society of Northern California at ng tanggapan ni Congressman Strike B. Revilla sa pakikipag-ugnayan sa Bacoor City Government at Cavite Provincial Government. Para sa karagdagang katanungan, mangyaring tumawag sa (046) 481-4100 local 413 at 411 o sa (046) 435-3420.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani