Sa rekomendasyon ng Bacoor City COVID-19 Task Force at ng Barangay officials ng Zapote 5, magkakaroon ng LOCKDOWN sa Sitio Aroma simula mamayang alas-12 ng hatinggabi hanggang Hunyo 15.

Ang desisyon ay batay sa natanggap na impormasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na mayroong 4 na positibong kaso ng COVID-19 sa naturing na lugar.

Panawagan lang, sa mga naninirahan sa nasabing lugar na may mga sintomas na kaugnay sa Covid-19 tulad ng lagnat, ubo, at hirap ng paghinga, kaagad na makipag-ugnayan sa ating BHERT.

Walang sinuman ang maaaring lumabas sa cordoned area. Magsasagawa ng agarang rapid testing sa pamilya ng mga positibong pasyente at sa mga kalapit bahay ng mga ito. Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon at pagsunod sa panuntunan ng isang lockdown.