Magandang balita! Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Congressman Strike B. Revilla, magkakaroon ng Passport on Wheels para sa mga Bacooreño.

Sa darating na March 6, 2020 dadalhin sa Lungsod ng Bacoor (STRIKE Gymnasium, Bacoor Government Center or BGC) ang Passport On Wheels (POW) para sa First-Time Application and Renewal.

Simula February 3, 2020 hanggang February 10, 2020 (weekdays except holidays, until 3PM only), maaari na pong makakuha ng application forms, punan mismo at isumite sa ating District Office (3/F, City Hall Building, BGC), kasama ang original copy at photocopy ng mga basic requirements na makikita kalakip nito. Sa screening/assessment na ito malalaman ng aplikante ang mga susunod na hakbangin.

Sa March 6, 2020, mismong araw ng POW, ay magaganap ang final interview at processing, capturing of photograph, biometrics, at pagbabayad ng courier fee. Pakidala din po ang requirements (original at photocopy) sa araw na ito.

🖋️Mayroon lamang 1,500 slots available. FIRST-COME, FIRST-SERVED BASIS.
🖋️Ang Passport On Wheels (POW) ay para lamang sa mga residente ng City of Bacoor.
🖋️Hindi tatanggapin ang walk-in applicants sa March 6 habang isinasagawa ang Passort On Wheels (POW).
🖋️Ang application/processing para sa Lost (Valid) Passport ay hindi kasama sa Mobile Passporting Service (MPS).
🖋️Para sa karagdagang katanungan, makipag-ugnayan kay Ms. Chai (481 4100 local 411 and 09277703326) ng CSBR District Office.

Maraming salamat po.

#StrikeSaSerbisyo
#SaBacoorAtHomeKaDito
#StrikeSaKongreso